Ang mga Pilipinong magulang, marahil edukasyon.
“Gagawin ko ang lahat mapagtapos lang kayo sa pag-aaral.” “Mas pipiliin kong
makatapos ng pag-aaral kaysa pumasok sa isang gawaing kailanma’y ‘di ko
mapakikinabangan.” Marami, kung hindi lahat, sa pamilyang Pilipino ay kakaiba
ang tingin sa edukasyon dahil ito’y ‘di maipagkakailang isa sa mga pangunahing
solusyon para paunlarin ang sarili at buhay pamilya. Kawalan nga ba ng
edukasyon ay nangangahulugang walang matatamasa? Maaaring oo, maaaring hindi.
Ang prayoridad ng pamilya ay nababase rin kasi sa kung ano ang nariyan na at
kailangan pa; ngunit ang edukasyon ay kinakailangang bigyan ng mas malaking
atensyon at puhunan sapagkat masasabing dito nagsisimula ang lahat.
Paano
matutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya
kung walang maasahan? Walang bang trabaho dahil walang makuhang pormal na
edukasyon, pinag-aralan, o natapos? O sadyang iba lang ang pinagtutuunan ng
pansin sa halip na ang magagawa para sa sarili’t pamilya? Nakatutuwang pagmasdan
ang pamilyang nalulugmok na sa kahirapan ngunit patuloy pa rin ang tiwala at
pagkakayod para sa edukasyon. Totoo nga naman kasi na ito ay isa sa mga daan
para guminhawa man lamang o patuloy na umunlad ang buhay. Sa pamamagitan nito’y
matutugunan ang mga kinakailangan lalo na ang nutrsiyong kailangan ng mga
nagta-trabaho at ng iba pang miyembro ng pamilya. Wika nga, “Edukasyon ang susi
sa magandang buhay at ang kalusugan ay kayamanan.”
Dito
sa Pilipinas, kumakayod pamilya nang sobra-sobra para mapag-aral ang
pinakamatandang anak sa kolehiyo. Kung hindi makayanan ng mga magulang, ang
ibnag kamag-anak o “extended family” ang sumasalo. At kung makatapos ang anak
at makapaghanap ng magandang trabaho, siya naman ngayon ang tutulong o
susuporta sa susunod na kapatid upang makapag-aral. Isa-isa hanggang
makapag-aral ang lahat sa pamilya. Ganiyan kadalasan ang tradison ng tipikal na
pamilyang Pilipino ngunit kung mas nakaaangat pa ay napagsasabay naman ang
dalawa, talo o kung sinuswerte ay lahat ng anak.
Maging
ang mga mayayaman o nabibilang sa class A o B ay hindi naiiba kung ito ang
paguusapan sapagkat higit din itong kinakailangan para magamit nang wasto ang
kanilang pagmamay-ari at patuloy na yumaman. Ngunit higit na makamamangha ang
mga naghihirap na pamilya sapagkat kahit hirap na hirap sila ay nabibigyan pa
rin nila ng atensyon ang edukasyon ng mga nangangailangan sa pamilya—minsan pa
nga’y kahit hindi na “kailangan” ay pinapag-aral pa rin. Marahil kahit hindi na
sabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak na mag-aral at magpursige, ay
kusa na silang gagalaw at gagawin ang nakagisnan—ang pabibigay ng halaga sa
edukasyon. Wala nga atang pinipili ang edukasyon sapagkat kahit na sino ay
nabibighani nito marahil dahil na nga rin sa angking kakayahan nito na
mapaunlad ang isang tao o pamilya.
Kaakibat
ng pagkilos at prayoridad ang kulturang dala ng bawat pamilyang Pilipino.
Ngunit kung edukasyon ang pag-uusapan, hindi naman maitatangging halos lahat ng
lahi ay nag-aasam nito.
“Kakaiba
at nakamamangha lamang siguro ang nakagisnang pagbigay prayoridad ng mga
Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na masasabing nahihirapan din sa
pagpapaaral sa ilang miyembro ng pamilya, pagdating sa edukasyon. “
No comments:
Post a Comment