Ang
akdang patungkol sa ispiritwal na sining ng pagtuturo ay tinatalakay kung paano
makatutulong ang interbensyon ng mga araling ispiritwal sa kabuuang edukasyon
ng isang estudyante. Pagtatalakay tungkol sa kumpletong edukasyon at
ispiritwalidad, gusto kong ibahagi ang isang karanasang bagay rito.
Lumaki
sa komunidad kung saan ang ispiritwalidad ay mas lalong pinapahalagahan sa
edukasyon, ang pagiging relihiyoso sa ilang pagkakataon ay tila konektado sa
“academic standing” ng isang estudyante. Noong ako ay nasa mababang paaralan pa
lamang kung saan ako ay nagsimulang mag-aral kasama ang De La Salle Brothers,
ang pamumuhay bilang Kristiyano ay tunay na importante sa bawat taon, sa
pagpapalakas ng paniniwala at relasyon sa Panginoon. Ngunit hayaan niyo muna
akong tuuanan ng pansin ang ispiritwalidad at ang pagiging relihiyoso na base
na rin sa akda. Ang ispiritwalidad ay isang katuparan ng sariling prinsipyo, na
nababase rin sa sariling paniniwala. Ang panatisimong relihiyon o
“religiosity”, sa kabilang dako, ay tapat na pagsasanay sa relihiyon ng isang
tao.
Ang
ating kaalaman patungkol sa paniniwalang Katolisismo, ang relihiyon ng mga
“Brothers”, ay importanteng bahagi sa ating pag-aaral. Naalala ko ang isang
pagkakataong na ako ang may pinakamataas ng marka sa isang subject, at iyon ang
nagbigay daan para ako ay maging isang honor student.
Sa
repleksyong ito, kadalasan kong ginagamit ang karanasan ko bilang Lasalyano sa
panlahatang edukasyon (holisticframework) nakuha sa mga nagdaang taon. Bilang
isang Lasalyano, laging nakatanim sa amin na kahit anong gawin namin, palaging
dapat ay para sa asosasyon; kaya naman, ang kabuuang edukasyon na ito ay isang
balangkas na para sa lahat. Dahilan na rin sa espiritwal na saysay na dinadala
nito sa isang aralin, mag-aaral, at gurong mayroon tayo, ang panlahatang
edukasyon ay nakakamit.
Naniniwala
akong ang panlahatang edukasyon ng isang tao ay mas madaling makamit kung ang
mga propesor mismo, bukod sa pagtuturo, ay gugustuhing makilahok sa proseso ng
pagkatuto. Nabanggit din sa mga akdan na habang ang mga guro ay nagpapamalas ng
espiritwal na sining ng pagtuturo, pakikiramay, karisma, at pagkamapagpatawa ay
importante rin. Kalahati ng buong pamamalagi ko sa akademya (na plinano kong
mahigit kalahti ng aking buhay), may mga guro akong nakilala na nagbigay ng
marka sa aking puso at pag-iisp dahil sa istratehiyang ginamit nila sa
pagtuturo at kung paano nila ako naapektuhan. Bihira lamang ang mga ganitong
guro na nag-iiwan ng marka sa mga mag-aaral.
Sa
kabuuan, ang espiritwal na sining ng pagtuturo ay importante sa akdemya o sa
pananatili sa isang paaralan. Kahit na minsan ay tila hindi napapansin, ito ay
isang daan para mahasa at mapamalas ang tinatawag na “intellectual freedom”
kung saan maaaring makipagpalitan ng mga opinyon ang mga tao patungkol sa
kabanalan na nagaganap. Ang pagkakaroon ng kabuuang edukasyon ay kinakailangan
din upang ang isang tao ay hindi lamang sasabak sa kahit anong posibilidad,
subalit malulugod din sa pithaya ng
kuryosidad, Ang mga guro, bilang pangunahing tagapagsimula sa proseso ng
pagkatuto, ay kinakailangan ding ikonsidera kung paano niya maibibigay ang
kanyang makakaya sa pagtuturo at sa pagbibigay marka sa bawat estudyante.
No comments:
Post a Comment