mayang
family reunion. Gaano kasi kahirap ang buhay dito sa bansa, di pa rin
maitatangging pamilya pa rin ang pinakamahalagang kayamanan na meron ang bawat
isang Pilipino.
Bakit
nga ba laganap ang konsepto ng isang
extended
family sa Pilipinas?
Hindi lamang sa Pilipinas laganap
ang ganitong kultura ng extended family. Maraming mga bansa sa Asya na tulad ng
Tsina at Indonesia ang tumatangkilik din sa ganitong kultura. Hindi tulad ng
maraming bansa sa Kanluran na likas sa kultura ang pagkakaroon ng pagsasarili,
kahit gaano na katanda ang isang indibidwal ay madalas pang nakatira kasama ang
buong pamilya.
Kung hindi naman ay magkakalapit
lamang ang tirahan ng mga ito. Likas sa atin ang pagkakaroon ng magandang
relasyon sa ating kapamilya.
Higit
pa riyan, hindi natatapos ang obligasyon ng isang magulang sa kaniyang anak at
ganoon rin ang obligasyon ng isang anak sa kanyang magulang sa kaniyang
pagtanda. Ang magulang ang magtutustos sa mga pangangailangan ng kaniyang anak
hanggang sa dumating ang panahon na kaya na nilang tumayo sa sarili mga paa.
Ang anak naman ang magbabalik ng mga ito sa kaniyang magulang kapag siya na ang
may hanapbuhay. Inaasahang ang anak ang siyang mag-aalaga sa kaniyang magulang
sa panahong tumanda na ito. Pagtanaw ng utang na loob ang pangunahing dahilan
sa kultura nating ito.
Benepisyo
ng pagkakaroon ng extended family
Sa hirap ng buhay dito sa ating
bansa, di maikakailang hindi kakayanin ng isang tao na harapin nang mag-isa ang
mga pagsubok. Kakailanganin niya ng mga masasandalan sa panahon ng kagipitan.
At sino pa ba ang mga pinakamakakatulong sa isang tao kung hindi ang sarili
niyang pamilya rin. May mga tao siguradong tutulong sa iyo sa oras ng kagipitan
kung mas malaki ang iyong pamilya o extended ito.
Bukod pa riyan, mas masaya ito dahil
ika nga sa Ingles, the more the merrier. Mas malaki at marami ang iyong mga
koneksyon. Mas masaya ang mga pagreunion tuwing may iba’t ibang okasyon. Kung
bata ka, mas marami kang mga kalaro at kaibigan sa katauhan ng iyong mga
pinsan. Kadalasan naman ay magkakatulad ang hilig ng mga ito. Kadalasan din ay
sabay lumalaki ang mga ito kaya mas nagiging matatag ang kanilang relasyon sa
isa’t isa. Mas panatang pa ang kalooban ng mga magulang nila dahil kilala ang
mga kaibigan ng anak.
No comments:
Post a Comment