Tuesday, April 10, 2012

Bantay Sarado


Si Dr. Ma. Lourdes Carandang, isang klinikal na sikolohista, ay ibinahagi kung paano sila nagkasundo ng kaniyang anak ‘pag dating sa ganitong sistema. Wala siyang access sa password ng kanyang anak, madalas binubuksan nito ang kanyang Facebook, at pinag-uuspan nila ang laman o mga nakikita rito. “Nagiging parang ekstensyon ito ng relasyon ng magulang at anak.”

            Sa kanyang sanaysay na pinamagatang “Parenting is Nation Building,” inilahad ni Dr. Carandang na ang disiplina at pagpapahalaga sa sarili ay nagsisimula sa pamilya, at ang kakulangan nito ay pinagmumulan ng isa sa mga problema ng ating bansa. Kung susuriin an gang gampanin ng magulang sa “nation building,” nalaman nni Jurist Gamban ng Globe Telecom na ang paggamit ng Internet ng kabataan sa kasalukuyan ay hindi naiiba sa paglakatsang nakasanayan ng kanilang mga magulang. Kinukulong ng mga bata ang kani-kanilang sarili sa isang kwarto, binubuksan ang kompyuter habang nakabukas ang telebisyon. Ito’y dapat kakitaan  ng pagkatakot sa mundong tila nagbabago nang lubusan. Ang pinakamalaking tagumpay ng mga “social networks” na ito ay ang paglathala ng mga ideya ng kabataan at kaakibat na patanaw sa kanila ng ibang nakakakita ng mga ito, ayon sa obserbasyon ni Gamban.           

“Marami namang paraan para ma-kontrol ang nilalaman ng Internet. Ang Globe na nagsimula ng “Fair Use Policy” sa mga brand na nagpapahintulot sa paggamit ng mga sites na naglalaman ng tungkol sa pakikipagtalik, pagaaway, pagkalulong sa alak at mgaing ang mga mapahamak na cartoons.”
Marami namang paraan para ma-kontrol ang nilalaman ng Internet. Ang Globe na nagsimula ng “Fair Use Policy” sa mga brand na nagpap
May mga nag-Google at nahanap ang Norton na may serbisyong “Parent Control Management.” Kaya nitong hanapin at sabihin kung ang isang site ay maaaring makapahamak sa mga gumagamit at posibleng magpahintulot agad sa pagbubukas na mga ito. Minamanipula na rin nito ang oras ng pggamit ng mga bata sa kompyuter. Nagbibigay ito ng mga alerto kapag ang mga bata’y sinusubukang pasukin ang mga ganitong site. Malalaman na rin ng mga magulang kung anu-ano ang ginagawa ng kanilang anak sa Internet a
           
            Hinihiling ni Dr. Carandang sa mga magulang na maging strikto sa pag-uugali ng kanilang mga anak, sensetibo sa kung ano ang pinapanood o tinatangkilik sa telebsiyon o ano pang midya lalo na sa Internet. Habang ginagaya ang mga napapanood sa mga teleserye sa telebisyon, isang bata ay nagwikang, “Sampid ka lang ditto. Walang hiya ka.”

            Maaaring hindi niya naiinitindihan ang ma salitang kaniyang binitawan subalit alam niya ang kaakibat na emosyon at nalalaman na ito’y isang insulto. Sa panood naman ng mga palabas ukol sa superheroes, alam ng bata kung ano ang tama o mali, na ang mga bida ay kinakailangang matalo ang mga kontrabida. Ngunit, halimbawa sa Power Rangers, sinabi ni Carandang na “hindi pa tatanungin ng bata kung ang pagpatay sa mga kontrabida ay ang tanging paraan para magtagumpay, o kung ang pagkakagulo ay ang tanging paraan para maiwaksi ang masasamang bagay.” Marami pang mga halimbawa sa kanyang libro ukol sa pagpapahalaga sa sarili.

            Hindi maitatangging ang mga magulang, kumpara sa guro ng anak, ay ang mas makapagbabantay sa kani-kanilang mga anak. May mga pahamak kung magkakaroon ng kawalan ng pagbabantay ng dalawa, maaaring ang katulong o “yaya” o telebisyon ang magdikta sa pag-uugali ng bata.

            Ang pamilyang Pilipino, gaano man kalaki, ay may pagpapahalaga sa disiplina ng bawat miyembro ng pamilya, lalong-lalo na sa mga anak. Ang internet ay isa lamang sa mga may pinakamalakas na impluwensya sa mga kabataan kaya naman kinakailangan ang pagdidisiplina sa sarili at sa iba kamag-anak na tila kinakain na ng mundong Bagong Midya.

Uunahin Ang Edukasyon


Ang mga Pilipinong magulang, marahil edukasyon. “Gagawin ko ang lahat mapagtapos lang kayo sa pag-aaral.” “Mas pipiliin kong makatapos ng pag-aaral kaysa pumasok sa isang gawaing kailanma’y ‘di ko mapakikinabangan.” Marami, kung hindi lahat, sa pamilyang Pilipino ay kakaiba ang tingin sa edukasyon dahil ito’y ‘di maipagkakailang isa sa mga pangunahing solusyon para paunlarin ang sarili at buhay pamilya. Kawalan nga ba ng edukasyon ay nangangahulugang walang matatamasa? Maaaring oo, maaaring hindi. Ang prayoridad ng pamilya ay nababase rin kasi sa kung ano ang nariyan na at kailangan pa; ngunit ang edukasyon ay kinakailangang bigyan ng mas malaking atensyon at puhunan sapagkat masasabing dito nagsisimula ang lahat.        
           
            Paano matutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya kung walang maasahan? Walang bang trabaho dahil walang makuhang pormal na edukasyon, pinag-aralan, o natapos? O sadyang iba lang ang pinagtutuunan ng pansin sa halip na ang magagawa para sa sarili’t pamilya? Nakatutuwang pagmasdan ang pamilyang nalulugmok na sa kahirapan ngunit patuloy pa rin ang tiwala at pagkakayod para sa edukasyon. Totoo nga naman kasi na ito ay isa sa mga daan para guminhawa man lamang o patuloy na umunlad ang buhay. Sa pamamagitan nito’y matutugunan ang mga kinakailangan lalo na ang nutrsiyong kailangan ng mga nagta-trabaho at ng iba pang miyembro ng pamilya. Wika nga, “Edukasyon ang susi sa magandang buhay at ang kalusugan ay kayamanan.”
           
            Dito sa Pilipinas, kumakayod pamilya nang sobra-sobra para mapag-aral ang pinakamatandang anak sa kolehiyo. Kung hindi makayanan ng mga magulang, ang ibnag kamag-anak o “extended family” ang sumasalo. At kung makatapos ang anak at makapaghanap ng magandang trabaho, siya naman ngayon ang tutulong o susuporta sa susunod na kapatid upang makapag-aral. Isa-isa hanggang makapag-aral ang lahat sa pamilya. Ganiyan kadalasan ang tradison ng tipikal na pamilyang Pilipino ngunit kung mas nakaaangat pa ay napagsasabay naman ang dalawa, talo o kung sinuswerte ay lahat ng anak.
           
            Maging ang mga mayayaman o nabibilang sa class A o B ay hindi naiiba kung ito ang paguusapan sapagkat higit din itong kinakailangan para magamit nang wasto ang kanilang pagmamay-ari at patuloy na yumaman. Ngunit higit na makamamangha ang mga naghihirap na pamilya sapagkat kahit hirap na hirap sila ay nabibigyan pa rin nila ng atensyon ang edukasyon ng mga nangangailangan sa pamilya—minsan pa nga’y kahit hindi na “kailangan” ay pinapag-aral pa rin. Marahil kahit hindi na sabihan ng mga magulang ang kanilang mga anak na mag-aral at magpursige, ay kusa na silang gagalaw at gagawin ang nakagisnan—ang pabibigay ng halaga sa edukasyon. Wala nga atang pinipili ang edukasyon sapagkat kahit na sino ay nabibighani nito marahil dahil na nga rin sa angking kakayahan nito na mapaunlad ang isang tao o pamilya.

            Kaakibat ng pagkilos at prayoridad ang kulturang dala ng bawat pamilyang Pilipino. Ngunit kung edukasyon ang pag-uusapan, hindi naman maitatangging halos lahat ng lahi ay nag-aasam nito.


“Kakaiba at nakamamangha lamang siguro ang nakagisnang pagbigay prayoridad ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap na masasabing nahihirapan din sa pagpapaaral sa ilang miyembro ng pamilya, pagdating sa edukasyon. “

Pananalig para sa kapatid



ni Kevin Alambra

Isa mga nakasanayan ng pamilyang Pilipino ay ang pagbibigay ng tunay na pagmamahal at “concern” sa bawat miyembro, tinutulungan ang kapwa sa kahit anong paraan lalo na ang mga mas nangangailangan sa buhay, at inaalagan ang mga matatanda hanggang sa kanilang ikatatagal.

Malaking bahagdan ng populasyon sa bansa ay katoliko at masasabing sumasalamin ito sa ugali at pamumuhay ng ilan sa pamilyang Pilipino lalo na sa loob ng bansa. Sa relihiyong katoliko bilang impluwensya sa ugali ng bawat tao, maraming mapagkukunan ng mapag-uusapan sapagkat hindi lamang ang tradisyon o gawain sa simbahang katoliko ang sinasakop nito. Una’t una sa lahat at marahil masasabing mahalaga ay ang aplikasyon ng mga nakapaloob sa bibliya o ihinain ng relihiyong ito.

Ngayon, ang mga kaugalian ng pmailyang Pilipino ay maaaring ikonekta sa paniniwala nila--halimbawa ang relihiyong katoliko, na isinasabuhay ng maraming nanay, tatay, at mga anak sa Timog Silangang Asya. Para sa mga katoliko, ang malaking pamilya ay mas katanggap-tanggap, at ito ang resulta ng paniniwala ng mga Katoliko na nagpapahintulot sa paggamit ng “birth control.”

Sa kabuuan, ang tradisyon at gawain ng pamilyang Pilipino ay nakabase sa kanilang relihiyon at paniniwala. Halimbawa, maraming pamilya ang “pro-lie”, at maaaring sumalungat sa mga bagay na umaatake sa relihiyong Katoliko. Ang pagpunta sa simbahan, halimbawa, ay maaring bahagi ng ritwal ng pamilya, kasama ang mga espesyal na okasyon o salu-salo na nababase sa mga pangyayari sa kalendaryo ng simbahan. Masasabing nakararami ang nag-iisip na kapag relihiyon ang pinag-uusapan ay nasa mababaw na pagtanaw lamang ang pumapasok--halimbawa, ang relihiyon kaabikat ang pagbabasa ng bibliya, pagpunta sa simabahan kasama ang pamilya, pagdarasal araw-araw, at kung anu-ano pang “obvious” na larawan ng paniniwala. Sa isyung ito, kinakailangang lumagpas ang pag-iisp sa normal o “given” nang mga bagay.

Ang mahigpit na pag-uugali (strict morals) ay maaaring sumalamin sa patakaran sa isang pamilyang Pilipino-- pagbabawal sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, at ang paggawa ng mga ito ay may kaukulang parusa sapagkat maaaring nilalabag nito ang tipikal na moralidad ng relihiyong kinabibilangan nila.

"Spiritual Pedagogy"


Ang akdang patungkol sa ispiritwal na sining ng pagtuturo ay tinatalakay kung paano makatutulong ang interbensyon ng mga araling ispiritwal sa kabuuang edukasyon ng isang estudyante. Pagtatalakay tungkol sa kumpletong edukasyon at ispiritwalidad, gusto kong ibahagi ang isang karanasang bagay rito.

Lumaki sa komunidad kung saan ang ispiritwalidad ay mas lalong pinapahalagahan sa edukasyon, ang pagiging relihiyoso sa ilang pagkakataon ay tila konektado sa “academic standing” ng isang estudyante. Noong ako ay nasa mababang paaralan pa lamang kung saan ako ay nagsimulang mag-aral kasama ang De La Salle Brothers, ang pamumuhay bilang Kristiyano ay tunay na importante sa bawat taon, sa pagpapalakas ng paniniwala at relasyon sa Panginoon. Ngunit hayaan niyo muna akong tuuanan ng pansin ang ispiritwalidad at ang pagiging relihiyoso na base na rin sa akda. Ang ispiritwalidad ay isang katuparan ng sariling prinsipyo, na nababase rin sa sariling paniniwala. Ang panatisimong relihiyon o “religiosity”, sa kabilang dako, ay tapat na pagsasanay sa relihiyon ng isang tao.

Ang ating kaalaman patungkol sa paniniwalang Katolisismo, ang relihiyon ng mga “Brothers”, ay importanteng bahagi sa ating pag-aaral. Naalala ko ang isang pagkakataong na ako ang may pinakamataas ng marka sa isang subject, at iyon ang nagbigay daan para ako ay maging isang honor student.

Sa repleksyong ito, kadalasan kong ginagamit ang karanasan ko bilang Lasalyano sa panlahatang edukasyon (holisticframework) nakuha sa mga nagdaang taon. Bilang isang Lasalyano, laging nakatanim sa amin na kahit anong gawin namin, palaging dapat ay para sa asosasyon; kaya naman, ang kabuuang edukasyon na ito ay isang balangkas na para sa lahat. Dahilan na rin sa espiritwal na saysay na dinadala nito sa isang aralin, mag-aaral, at gurong mayroon tayo, ang panlahatang edukasyon ay nakakamit.

Naniniwala akong ang panlahatang edukasyon ng isang tao ay mas madaling makamit kung ang mga propesor mismo, bukod sa pagtuturo, ay gugustuhing makilahok sa proseso ng pagkatuto. Nabanggit din sa mga akdan na habang ang mga guro ay nagpapamalas ng espiritwal na sining ng pagtuturo, pakikiramay, karisma, at pagkamapagpatawa ay importante rin. Kalahati ng buong pamamalagi ko sa akademya (na plinano kong mahigit kalahti ng aking buhay), may mga guro akong nakilala na nagbigay ng marka sa aking puso at pag-iisp dahil sa istratehiyang ginamit nila sa pagtuturo at kung paano nila ako naapektuhan. Bihira lamang ang mga ganitong guro na nag-iiwan ng marka sa mga mag-aaral.

Sa kabuuan, ang espiritwal na sining ng pagtuturo ay importante sa akdemya o sa pananatili sa isang paaralan. Kahit na minsan ay tila hindi napapansin, ito ay isang daan para mahasa at mapamalas ang tinatawag na “intellectual freedom” kung saan maaaring makipagpalitan ng mga opinyon ang mga tao patungkol sa kabanalan na nagaganap. Ang pagkakaroon ng kabuuang edukasyon ay kinakailangan din upang ang isang tao ay hindi lamang sasabak sa kahit anong posibilidad, subalit malulugod din sa  pithaya ng kuryosidad, Ang mga guro, bilang pangunahing tagapagsimula sa proseso ng pagkatuto, ay kinakailangan ding ikonsidera kung paano niya maibibigay ang kanyang makakaya sa pagtuturo at sa pagbibigay marka sa bawat estudyante.  

Friday, April 6, 2012

Masaya 'Pag Sama-Sama


Tunay nga namang napakagandang makita ang pagsasama-sama ng mga pamilyang Pilipino. Ang kaugaliang ito ang isa sa kilala at hinahangaan sa ating mga Pinoy. Sa pagkakataong ito, nais kong maghandog ng isang kuwentong maipagmamalaki ang kaugalian nating mga Pilipino na ito.

Lumaki ako sa isang pamilyang hangga›t maaari, sama-sama. Tulad na
lamang sa mga okasyon gaya ng Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw, o kahit kaarawan lamang ng isa, siguradong naroon ang bawat isa. Mapa sa mga panahong masaya at malungkot, nariyan ang bawat isa.

Dumating sa isang punto, sa gitna ng kasiyahan, isang balita ang napagalaman ng lahat. Isang
malungkot na balita tungkol sa kadahilanan ng aming pagsasama􀈇sama – may sakit si lola.

Tila isang malaking butas sa aking dibdib ang dagling namuo nang marinig ang bawat katagang namutawi sa mga labi ng isa sa miyembro ng pamilya. Hindi malaman ang mukha ng ni isa sa amin - ang aking mga tito, bilang mga anak ni lolo; ang aming mga ina, bilang biyenan; kami, bilang apo. Kay sakit isipin na ang araw na ito ang umpisa ng paghahanda para sa
araw na ayaw namin lahat dumating. Wala na kaming ibang magawa kundi magpanggap na normal ang lahat kahit sa napakasakit ng mga nangyayari.

Sa mga sumunod na buwan ilang beses din kami nagpabalik-balik sa ospital. Gabi-gabi kumpleto kami, sina mama, papa, tito, tita, aking mga pinsan, aking mga kapatid at sama-sama kaming magdadasal ng rosaryo kasama si lola. Hindi mapagkakailang
isa iyon sa mga araw na pinakanagkaisa kami lahat.

Lumilipas ang oras, ibig sabihin din ay hindi na magtatagal. Naroon kami lahat hanggang sa pinakahirap at masakit na punto. Naaalala ko pa ang lahat. Tinawagan na ako ng isa sa aking mga pinsan para pumunta sa ospital. Iyon ang araw na alam naming malapit na malapit na.

Luha ang dumadaloy kada bagong dating ng isa. Sobrang sakit malaman na wala nang magagawa kundi hintayin ang ayaw mo pa dumating. Sobrang sakit pero kakayanin. Alam kong
hindi ako nag-iisa.

Dumating na ang araw na pinakahinahangad namin na hindi dumating. Pero
ganyan talaga. Darating sa puntong iyon. Pero hindi naman natatapos doon ang naumpisahan ni lola sa aming pamilya – ang pagsama􀈇sama

Ang mga Anak ng “Bagong Bayani ng Bayan”


“Wala na naman si papa sa graduation ko. Kung tutuusin, wala naman talaga siya sa lahat ng mga importanteng pangyayari sa buhay ko. Wala naman akong maaasahan sa kanya.”

Isa lamang ito sa mga dinaramdam ng mga naiiwang mga bata ng kanilang magulang para magsikap na iahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Ayon sa UNICEF, noong 2008, anim na milyong bata ang naiiwan ng mga magulang na nangingibang bansa para makapagtrabaho. Anim na milyong bata ang nagtatanong kung bakit kinakailangan pa silang iwan nang matagal na panahon ng kanilang magulang para magtrabaho. Anim na milyong bata ang nangungulila sa halik ng kanyang ina at yakap ng kanyang ama. Anim na bata na naghahanap ng gagabay sa kanila sa araw-araw.

Habang pinapangako sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang mas mataas na sahod na makakapagpaahon sa estado ng pamumuhay ng kani-kanilang pamilya, ilang bata ang naiiwan ng isa o parehong magulang. Sa pangkalahatan, iba’t-iba ang pananaw at pagtanggap ng mga batang nauukulan sa sitwasyon, ngunit hindi mapagkakailang mayroon at mayroong epekto ang paglisan ng kanilang magulang sa mahabang panahon.

Mahahantong sa malaking pagbabago o kakalungan ang pagkawala ng isa sa karaniwang istraktura ng pamilya. Ang mga bata ang pinakanaaapektuhan sa pagbabagong ito. Ayon sa mga pag-aaral, sarbey at interbyu, ang pagkawala ng mga magulang ay bumubuo ng “displacement, disruption, and caregiving arrangements.” Malaki ang marking bahid sa mga batang naiiwan ng parehong magulang dahil hinahanap nila ang nawawalang magulang, lalong lalo na ang mga nanay. Natuklasan na hindi nakikilala ng mga kabataan ang pag-alis ng mga magulang nila bilang isang porma ng pag-aaruga.  

Ang ama, ina, at mga anak ang bumubuo ng isang pamilya. Matiwasay at nagmamahalan sila habang nanunuluyan sa iisang tahanan. Habang lumalaki ang mga anak, nariyan ang kanilang magulang na nagmamahal, nag-aalaga, at gumagabay sa kanilang mga anak tungo sa magandang kinabukasan. Ngunit sa hirap ng buhay ngayon, hindi na ito totoo sa lahat ng pamilya. Kalimitan., isa o parehong magulang ang kailangan mag-abroad para sa ikaaahon nila at ng kanilang anak.

Tunay nga bang mas nakatutulong ang trabahong abroad na pinagmamalaking ihandog ng gobyerno?

Honey I'm Home! Moderning Tahanan Para sa Moderning Pamilya


Ang pagmamahalan ng pamilya sa isang tirahan ay ang pagbuo ng isang tahanan. Dito masasaksihan ang sari-saring kaganapan sa loob ng pagkakaroon ng pamilya: ang sari-saring emusyon, ang mga oras na masaya, ang mga oras na malungkot, ang pag-alis at pagbalik, ang paglaki at pagtanda at ang pagtutuloy ng susunod pang herasyon.

Maliban sa kasal, pagkakaroon ng anak, ang isa pa sa pinakaunang kinukunsidera sa pagkakaroon ng pamilya ay ang tahanan. Sa katunayan, ito ang isa sa pinakaimportanteng desisyon pagdating sa pamilya. Sa pagpili ng panunuluyan, kadalasang tinitignan ng mga nakaranas o eksperto na sa ang lokasyon, kung ilang oras ang kakainin bago makarating ang mga bata sa iskwela at ang mga magulang sa trabaho, kung gaano kalapit ang mga tinayong tindahan o bilihan ng mga kakailanganin; ang privacy, kung mas mainam ba ang tahimik na kapiligiran o ang malapit sa komunidad; ang responsibilidad, kung mas nanaisin bang sila ang namamahala sa kabuuan ng pamamahay o mas gugustuhin nilang mamuhay nang iba ang namamahala para mas gumaan ang responsibilidad dito; at huli, ang gastusin, hanggang saan ang kayang gastahin para sa paninirahan ng pamilya?

Marami ang maaaring pagpiliian ng pamilyang Pilipino ayon sa kanilang kapakinabangan. Isa sa mga karaniwang pinipili sa kapanahunan ngayon ang kondominyum.

Isang uri ng “group of housing unit” ang kondominyum kung saan ang isang homeowner ay magmamay-ari ng kanilang individual unit space – mula sa isang malaking gusali na pagmamay-ari ng iba. Samantala, mayroon itong mga pasilidad na panglahatang gamit na maaaring gamitin ng lahat ng nagmamay-ari ng unit.

Nagsimulang umusbong ang pagkukunsidera ng pamilyang Pilipino sa mga kondominyum nang dumating krisis sa ekonomiya ng bansa. Dahil sa nasabing panahon ng kagipitan, dumating sa punto kung saan ang mga imprastrakturang ito ang naging affordable sa marami. Bukod dito, naging maalam din sa karamihan ang iba pa nitong benepisyo sa mga naninirahan dito.

Isa pa sa dahilan kung bakit naging patok ang mga condo, ayon sa mga eksperto, ang pleksibilidad ng paninirahan dito. Kalimitang itinatayo ang mga kondominyun sa sentro ng lungsod kung saan masagana ang parehong komersyal at industriyal na aktibidades. Karamihan sa mga kondominyum  ay kalapit ng mga opisina ng malalaking kumpanya. Nakapagbibigay ito ng mas mainam na aksesibilidad sa mga naninirahan tungo sa iskwela, trabaho, maging sa mga lugar panlibangan tulad ng mga mall, gym, atbp. Sa pamamagitan nito, nakaiiwas ang mga naninirahan dito sa hirap ng trapik at rush hour. Gayun din sa pagititipid sa pera, gasolina at ang hindi pagsasayang sa oras.

Ang magagarang pasilidad din ang nakapaghihikayat sa mga tumitira rito tulad na lamang ng spa, swimming pool, gaming area, atbp. Nagiging mas kumportable at madali ang panunuluyan para sa mga naninirahan sa condo dahil dito. Samantala, ang kalinisan o kaayusan naman ng bawat unit ay maaari ring ilapit na lamang sa tagapamahala ng gusali. Maaaring may karagdagang bayaran ngunit natanggal na sa inyo ang pasikot-sikot ng paghahanap ng mag-aasikaso nito.

May ilan pang maliliit na adbentahe na maaaring ikunsidera sa pagpipili ng condo kaysa sa karaniwang bahay at lupa. Kasama rito ang kasiguruhan sa mga paradahan gayun na rin sa mga papasukan dahil mahigpit ang siguridad ng mga guwardiyan nagbabantay sa imprastraktura. Maaaring ding isipin ang mababang entry cost, insurance costs, at shared maintenance cost dahil kakaunti na lamang ang responisibilidad para sa pagpapapanatili ng eksterior ng tinitirhan. Maaari rin itong bilhin, ibenta sa kaunting restriksyon lamang kumpara sa bahay at lote.
Maaaring magandang pamumuhunan ang pagkakaroon ng kondominyum. Gayun pa man, marami pa rin itong potensyal na disadbanthe gaya ng regular ng paninirahan. Magiging alanganin ang paninirahan sa isang kondominyum kung hindi maingat ang kumpanyang naghahawak sa kalidad ng imprastraktura. Dahil din nakasalalay ang paninirahan ayon sa kasalukuyang polisiya ng gusali, mapipilitang sundin na lamang ito ng mga naninirahan. Tumataas taon-taon ang mga monthly dues ng kondominyum. Hindi biro ang pagtaas nito dahil lumuluma rin ang gusali. May mga masisira’t masisira na dapat gawin na paniguradong mangangailangan ng pera para maisaayos.

Mayroon ding mga resktriksyon sa mga maaring kagamitan o ipapasok sa loob ng konomdominyum. Ilan sa kasama sa listahan ay ang pag-aalaga ng hayop, pagsasagawa ng mga renobasyon sa gusali ng kuwarto.

Isang malaking aspeto rin na maaaring mawala ay ang prebilehiyo ng privacy. Dahil sa magkakalapit na unit, hindi gaanong maaatim ang prebilehiyong ito. Maaasahan na na sa communal living, hindi magiging madali iwasan ang ingay na dulot ng iba pang naninirahan dito. Karaniwan ding pinoproblema ay ang parking. Masasabi man ang siguridad, sa rami ng naninirahan na posibleng higit pa sa isa ang sasakyan, nauubusan ng parking space ang iba pang naninirahan at kanilang mga bisita.

Maraming maibibigay na benepisyo at perwisyo ang parehong uri ng panunuluyan. Pero sa huli, ang pamilya ang magdedesiyon kung alin ang naaayon sa kanilang paraan ng pamumuhay, kung alin ang aayon sa mas matiwasay nilang pagmamahal sa pagbuo ng t

Daddy's Girl

2011 – ika-lima na ng umaga. Hindi mo napansin na ang boses niya ang nakapagmulatsa iyong diwa. Nakahanda na sa loob ng banyo ang iyong tuwalya. Nakabihis ka na. Naghahanda ka na para sa iskwela. Pagkatapos ng ilang minutong paikot-ikot sa loob ng bahay, nakahanda ka na para sa isa na namang araw ng pagbibiyahe nang isang-oras at kalahati, habang siya, nasa labas, naghihintay mahalikan ka sa noo, at sabihing “Ingat.”

2010 - Dagli kang tumayo sa iyong pagkakaupo - ang upuang marami-rami tagahanga ng tren ang nakikipagkumpitensya - nang marinig ang “arriving at Santolan terminal station. Huli ka na. Sabi mo nandito ka na ng alas sais ng gabi. Alas siyete na. Nagmadali kang bumaba ng hagdan, umalis ng estasyon, at naglakad patungo sa Petron. Habang naglalakad, naiisip mo ang mga posibleng mangyari pagdating, ang mga posibleng sabihin sa iyo, ang mga posibleng
mararamdaman mo dahil sa palpak mong time management: ang pagpupuyat mo, ang pagpapalipas mo ng gutom, ang organisasyon mong simula’t sa pul hindi na niya nagustuhang salihan mo. Nakapasok ka na sa sasakyan. Tahimik ang paligid.

2009- Agosto. Unang beses mong irepresenta ang iyong iskwelahan, at mukhang panghuli ‘pagkat malapit ka nang magtapos. Nakatutok ang ilaw. Nakahanda na ang bawat isa. Handa na rin ang mga manonood sa kanilang mga bias kung sino sa labindalawang iskwelahan ang pinakamahusay.Tumingin ka sa kanan, tumingin ka sa kaliwa. Hindi, wala siya para makita ang isang parte ng iyong buhay na paniguradong ikasisiya niya. May trabaho siya. Naiingit ka sa mga kasama mong nariyan ang magulang para mapanood sila. Lights, camera, action.

2008 - Nararanasan mo na ang kasiyahan ng pagkakaroon ng barkada. Napakasarap
ng pakiramdam ng pagtatanggap sa iyo. Ito ang mga oras na mas nanaisin mo pang lumabas kaysa nasa bahay lamang. Napansin niya kung gaano kadalas ka nang may lakad kasama ang mga binabanggit mong pangalang hindi naman niya kilala. Sa kasamaang palad, hindi siya basta-basta pumapayag. Mahigpit siya. Ikaw naman kasi ang bunso. Ikaw pa ang nag-iisang babae. Bilang bata, hindi madaling hindi makuha ang gusto mo. Mas pinapayabong lang nito ang mga batang emosyon. Hangga’t sa dumating ang panahon na unti-unting lumalawak ang distansya mula sa iyo at sa kanya. Tila isa itong black hole na dahan-dahang pinapakalimot ang masasaya ninyong memorya tuwing magkasama.

2006 - Tuwing huling linggo ng buwan, may inaabangan ka sa kanyang bughaw na plastik bag na ang tagal tagal na niyang ginagamit (maliban na lang kung mapunit at kailangan ng panibago). Kadalasan, lolokohin ka pa niya, sasabihing nakalimutan niya ang iyong hinihintay. At makikita niya ang malungkot mong mukhang nakahaba na ang nguso at sasabihing, “makakalimutan ko naman ba?” Dagli mong kukunin ang komiks gamit ang iyong mga kamay. Bubuksan mo ito kasama ang hindi mapintang kasiyahan, habang tititignan ka lamang niya - nakangiti.

2005 - Nakita mo ang saya sa kanyang mga mata nang umakyat kayo sa entablado para isabit sa iyo ang medalya bilang isa sa pinakamahuhusay na estudyante. Mula nung araw na iyon, sinabi mo sa sarili mo, gusto mo ulit makita ang pinta ng kanyang mukha na iyon. Mangyayari
iyon ulit.

2003 - Naalimpungatan ka. Ngayon lang ang araw na napagtanto mong hinahalikan ka niya sa noo bago siya pumutang trabaho. Kasama nito ang mga salitang ikalulugod mo rin kung gising ka sana, “I love you. I love you, anak. Be a good girl.”

2001 - Kadalasan, may lakad siya sa kanyang day-off. Nakatingin ka lang sa kanya habang nagpapaikot-ikot siya sa bahay sa paghahanda. Nakita ka niya, ngumiti, tinanong ka kung gusto mo ba sumama. Tumango ka. Sabi niya sa iyo, “magbihis ka na.” Humirit ka na gusto mong manood sa sinehan. Iyon ang una at huli mong pelikula sa sinehan kasama siya.

1998 - Kakatapos niyo lang paagtagpi-tagpiin ang mga parte ng happy meal ng Mcdonalds. Isa sa mga ginagawa niyo sa kanyang mga libreng oras.

1993 - Pakiramdam mo may gumising sa iyo sa isang mahabang tulog, at hindi mo mapigiliang umiyak. Umiiyak ka nang umiiyak sa ganda ng liwanag na unang beses mo pa lang nakikita. May narinig kang boses bukod pa sa boses ng malambing na babae, na nakikilala mo dahil sa pagbibigay sa iyo ng pakiramdam na hindi ka mapapahamak dahil nariyan siya. Naramdaman mo ang kasiyahan sa kanyang tinig na tila inaangkin na niya ang kasiyahan ng buong mundo - isang kasiyahan na hindi mapapantayan ng kahit anong bagay sa mundo. “Anak, ito na si papa.”








Monday, April 2, 2012

Laki kay Yaya


            Sa buong mundo raw, sa Pilipinas lang usong-uso ang pagkakaroon ng kasambahay o yung mas kilala sa tawag na "Yaya". Sa ibang bansa kasi, tagalinis lang sa bahay ang mga yaya nila. Pero dito sa Pilipinas, sila ay nagiging tagapangalaga na rin ng mga bata. Madalas naiiwan tayong kasa-kasama ng ating mga yaya dahil na rin sa abala ang ating mga magulang sa kanilang mga trabaho. Si yaya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan natin sa loob ng bahay lalo na kung mula bata pa lang tayo ay sa atin na sila nagtratrabaho. Kung minsan pa nga, kahit na hindi natin kaanu-ano ang ating mga yaya, mas malapit pa tayo sa kanila kumpara sa mga tunay nating magulang dahil mas madalas natin silang nakakasama kumpara sa ating magulang. Mas alam pa ng yaya ang mga nangyayari sa buhay ng bata kesa sa mga magulang nito. Kakaiba ang relasyon ng isang 'alaga' sa kanyang yaya. Hindi siyang ang tunay na magulang pero ganun ang kanyang nagiging papel sa buhay ng kanyang inaalagaan. Ang iba naman ay katulong ng magulang na magpalaki sa bata. Nakita niya kung paano lumaki ang bata. Siya marahil ang nagtimpla ng gatas ng bata, ang nagpapakain sa bata, ang nagpapatahan dito kapag umiiyak, ang nagsusundo dito galing sa paaralan, at ang nagtatanggol sa bata sa mga kaaway nito sa paaralan. Ilan lamang yan sa mga bagay na ginagawa ng ating yaya para sa atin. Hindi man kasama sa kanyang job description, madalas ay napapamahal na siya sa kanyang inaalagaan at sa buong pamilya at gayundin naman ang bata sa kanya at nagkakaroon sila ng emosyonal na ugnayan sa bawat isa. Dahil dito, parte na ng pamilya ang turing sa matagal nang yaya.

            Isang malaking sakripisyo para sa isang tao ang maging isang kasambahay o yaya. Bagama't "all around" ang kanyang nagiging trabaho sa bahay, isama mo pa diyan ang pag-aalaga sa bata, maliit pa rin ang sweldo ng isang katulong. Bukod pa riyan, wala rin siyang natatanggap na kung anu-anong legal na benepisyo mula sa gobyerno tulad ng PhilHealth, SSS at hindi rin sila saklaw ng batas ukol sa 'minimum wage'.

            May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang ugali ng mga yaya ay may malaking epekto sa kabuuang pagkatao ng isang batang lumaki kasama sila. Mabilis na napupulot ng mga bata ang mga gawain at asal na ipinapakita ng kanyang yaya.

Usapang Modernong Pamilya


Ang pamilya raw ang pinakamahalagang institusyon sa komunidad para sa isang indibidwal. Dito nagsisimula siyang makisalamuha sa ibang tao, mahasa ang kanyang galing at dito rin ay una niyang
mararasan ang pagtanggap ng ibang tao. Higit pa riyan, natututunan niya ang pundasyon ng lahat ng mahahalagang aral at kaalaman na nararapat niyang matutunan bilang isang tao sa tulong ng kaniyang pamilya. Likas sa ating mga Pilipino na malapit tayo sa ating mga pamilya. Pero paano na kung ang
pamilyang itinuturing mo ay higit ng kumplikado sa iyong inaasahan?

            Kaakibat ng ating pagsunod natin sa pagmoderno ng mundo, nag-iiba na rin ang ating mga pananaw pagdating sa pamilya. Dumarami na ang mga pamilyang naghihiwalay dahil sa iba’t ibang dahilan. Nariyan ang away dahil sa usapang pinansyal, meron ding hindi na magkasundo, at ang iba naman ay dahil sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso ng kabiyak. Sa katunayan, hindi na seguridad ang kasal upang masabing habangbuhay magsasama ang dalawang indibidwal. Nariyan na ang ‘annullment’, ‘legal separation’, at napipinto na ang pagpasa sa diborsyo.  

            Dahil ang Pilipinas ay isang Katolikong bansa, madalas tinututulan ng simbahan ang pagsira sa pangakong binitawan ng dalawang kinasal sa harap ng Diyos. Ngunit sapat na ba ang pagtutol na ito upang hindi magbago ang ating mga pananaw pagdatin sa usapang modernong pamilya?

Iba’t ibang uri ng modernong pamilya

              Separated parents. Ito ang pinakapangkaraniwang paraan ng magkabiyak sa paghihiwlay. Ayon sa mga pag-aaral, ito ay maaari ding mangyari kahit sa
pamilyang magkakalapit. Maaaring gawin ito sa ilalim ng batas. Maraming paraan upang ito ay maisagawa ng legal tulad na lamang ng paghahain ng annulment sa korte. Ngunit ang mga ganitong paraang legal ay magastos at nangangailangan ng mahaba at matagal ng proseso. Kung kaya’t marami sa ikinakasal ay pinipili ng lamang na gawin ito sa hindi legal na paraan o yung simpleng pagsasarili lamang.
Step parents and siblings. May mga
pagkakataong matapos, o kahit hindi pa, naghihiwalay ang mga magkabiyak, nag-aasawa na muli ang ama o ina. Sa pagkakataong ito, magkakaraoon ng step parents ang anak ng muling nag-asawang magulang. Kapag nagbunga ang pag-iisang-dibdib na ito, half sibling ang tawag na unang anak sa anak ng kanyang magulang sa pangalawang asawa. Kung bago pa naman ito ikinasal ay may anak na ang step parent sa ibang tao, step sibling ang tawag nito dito. Ayon sa mga pag-aaral, makakatulong na sikapin ng step parents na makasundo ang anak ng unang asawa. Bukod sa mas maiintindihan ng bata ang mga
pangyayari, mas mabilis silang makakaadjust at mas magiging katanggap-tanggap sa kanilang ang
pagkakaroon ng panibagong ‘magulang’.

            Single parent. Marami sa mga nagkakahiwalay na mag-asawa ay may supling. May iba rin naman  mga pagkakataon na namamatayan ng asawa ang isang lalaki o babae. Kadalasan, hindi na muling nag-aasawa ang mga ito upang mapagtuunan ng sapat na pansin ang mga anak. Sila ang ating tinatawag na single parents. Hindi biro ang magpalaki ng anak nang walang katuwang sa buhay. Sa panahong napakahirap ng buhay, isang malaking sakripisyo ang kinakaharap ng mga single parents ngayon. Pero sabi nga nila, “Napapalitan ang asawa, pero hindi ang anak.”

Epekto ng isang modernong pamilya sa kabataan

            Sa mga pagbabagong kakaharapin ng isang bata sa aspeto ng kaniyang pamilya, hindi
maikakailang malaki rin ang mga maidudulot na epekto nito sa kaniyang pagkatao. Ayon sa pag-aaral, maraming negatibong epekto ang idudulot ng modernong pamilya sa kabataan. Dahil mas pipiliin pa rin
ng bata ang magkaroon ng buong pamilyang kinamulatan, malaki ang posibilidad na magrebelde ito kung masira ang pundasyon ng kanyang pagkatao -  ang knayang pamilya. May mga epekto ito sa kanyang emosyonal, mental, at sosyal na buhay. Sa pagrerebelde, nariyan ang malaking tsansang mapabarkada ang bata, hindi matuto sa paaralan, maging bayolente, at magkimkim ng hinanakit sa magulang. Maarin ring mawalan ng tiwala ang bata sa kaniyang sarili dulot ng depresyon sa mga
biglaang pagbabago.

“The More, The Merrier”

Lola, lolo, tito, tita, hipag, bayaw, pinsan. Ang laki ng isang pamilyang Pinoy. Kung minsan pa nga, sama-sama ang lahat sa ilalim ng iisang bubong. Kung hindi naman, madalas magkita-kita lalo na kung may mga mahahalagang okasyon tulad ng Pasko at Bagong Taon. Usong uso nga sa mga Pilipino ang maya’t
mayang family reunion. Gaano kasi kahirap ang buhay dito sa bansa, di pa rin maitatangging pamilya pa rin ang pinakamahalagang kayamanan na meron ang bawat isang Pilipino.

Bakit nga ba laganap ang konsepto ng isang
extended family sa Pilipinas?
            Hindi lamang sa Pilipinas laganap ang ganitong kultura ng extended family. Maraming mga bansa sa Asya na tulad ng Tsina at Indonesia ang tumatangkilik din sa ganitong kultura. Hindi tulad ng maraming bansa sa Kanluran na likas sa kultura ang pagkakaroon ng pagsasarili, kahit gaano na katanda ang isang indibidwal ay madalas pang nakatira kasama ang buong pamilya.
            Kung hindi naman ay magkakalapit lamang ang tirahan ng mga ito. Likas sa atin ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa ating kapamilya.
            Higit pa riyan, hindi natatapos ang obligasyon ng isang magulang sa kaniyang anak at ganoon rin ang obligasyon ng isang anak sa kanyang magulang sa kaniyang pagtanda. Ang magulang ang magtutustos sa mga pangangailangan ng kaniyang anak hanggang sa dumating ang panahon na kaya na nilang tumayo sa sarili mga paa. Ang anak naman ang magbabalik ng mga ito sa kaniyang magulang kapag siya na ang may hanapbuhay. Inaasahang ang anak ang siyang mag-aalaga sa kaniyang magulang sa panahong tumanda na ito. Pagtanaw ng utang na loob ang pangunahing dahilan sa kultura nating ito.

Benepisyo ng pagkakaroon ng extended family
            Sa hirap ng buhay dito sa ating bansa, di maikakailang hindi kakayanin ng isang tao na harapin nang mag-isa ang mga pagsubok. Kakailanganin niya ng mga masasandalan sa panahon ng kagipitan. At sino pa ba ang mga pinakamakakatulong sa isang tao kung hindi ang sarili niyang pamilya rin. May mga tao siguradong tutulong sa iyo sa oras ng kagipitan kung mas malaki ang iyong pamilya o extended ito.
            Bukod pa riyan, mas masaya ito dahil ika nga sa Ingles, the more the merrier. Mas malaki at marami ang iyong mga koneksyon. Mas masaya ang mga pagreunion tuwing may iba’t ibang okasyon. Kung bata ka, mas marami kang mga kalaro at kaibigan sa katauhan ng iyong mga pinsan. Kadalasan naman ay magkakatulad ang hilig ng mga ito. Kadalasan din ay sabay lumalaki ang mga ito kaya mas nagiging matatag ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Mas panatang pa ang kalooban ng mga magulang nila dahil kilala ang mga kaibigan ng anak.

May say ka sa pamilya mo!


Ano ang Family Planning?
Ang Family Planning ay isang paraan upang magkaroon ng kalayaan ang isang babae at lalaki upang magdesisyon ukol sa laki ng kanilang pamilya. Kasabay din nito ay ang kalayaan na makapagdesisyon kung kailan nila nanaisin na magkaroon ng mga anak. Nakapailalim din dito na nakadepende sa mag-asawa kung ang kanilang pagtatalik ay dapat na magresulta sa pagbubuntis ng babae o hindi.

Bakit mahalaga ang Family Planning?
Ang Family Planning ay sinasabi ng marami na ang sagot sa kahirapan na dinaranas hindi lamang ng bawat pamilya kung hindi ng buong bansa. Dahil sa tamang pagpaplano ng pamilya, magbubunga ito ng maraming magagandang epekto. May mga benepisyo ang pagsasailalim sa Family Planning.

1.Sapat na Budyet. Dahil ang desisyon ng pagkakaroon ng anak ay nakadepende na sa mag-asawa, alam nila kung ilang anak lamang ang kaya nilang buhayin sa kanilang araw-araw na kinikita. Ang mga mahihirap na pamilya ay hindi na lalong maghihirap. Higit pa riyan, dahil may sapat nang pera para sa bawat miyembro ng pamilya, mas mapatutuunan ng pansin ang pangangailangan ng bawat isa.

2. Maiiwasan ang pagkalat ng mga Sexually-Transmitted Disease o STD. Dahil maaari nang magtalik ang mag-asawa nang hindi iniisip ang tsansa ng pagbubuntis, mas bababa ang kaso ng pagkakaroon ng maraming "partner" sa pakikipagtalik. At dahil mas ligtas na ang pagtatalik ng mag-asawa dahil sa mga makabagong paraan ng kontrasepsyon, maiiwasan na rin ang pagkalat ng mga Sexually Transmitted Disease na tulad ng AIDS.

3. Kalusugan ng mga Kababihan. Ang mga kababaihan ang nagbubuntis. Dahil dito, ang palagiang pagbubuntis ay maaaring makasama sa kalusugan ng babae. Mas nakakaranas ng panghihina at paghihilo ang mga babaeng madalas magbuntis. Hindi rin ito nakakabuti dahil nakukuha ng sanggol ang nutrisyon sa katawan ng ina habang nagbubuntis. Kung mababawasan ang dalas ng pagbubuntis, mas makakabuti ito para sa babae.

Uri ng Family Planning 
Nahahati sa dalawang kategorya ang Family Planning. Ang una ay ang Natural na paraan at ang ikalawa naman ay ang Artipisyal na paraan.

1. Natural na Paraan. Ang paraang ito ay tinatawag din na tradisyonal na paraan. Sinasabing mas ligtas ang paraang ito dahil hindi ito nangangailangan ng kahit anong gamot. Sa paraang natural, hindi nagtatalik ang mag-asawa sa mga araw na maaaring mabuntis ang babae o tinatawag na fertile. Gumagamit ng calendar methodo yung paglista sa kalendaryo ng mga panahong maaaring mabuntis ang babae. Maaari ding malaman kung fertile ang babae sa pamamagitan ng kanyang temperatura. Sinasabing mas mainit o mas mataas ang temperatura ng babae kung ito ay maaaring magbuntis.

2. Artipisyal na Paraan. Ito ay tinatawag din na modernong paraan ng kontrasepsyon. Sa paraang ito, sumasailalim sa iba't ibang operasyon ang mag-asawa upang maiwasan ang pagbubuntis ng babae o di kaya ay umiinom ng mga gamot. Sa modernong paraan, ligtas na makakapagtalik ang mag-asawa kahit na potensyal na magbunits ang babae sa araw na iyon. Ilan sa mga paraang ito ay ang paggamit ng condom para sa lalaki, pag-inom ng mga gamot para sa mga babae. May mga operasyon din kung saan "nagpapatali" ang mag-asawa upang hindi na ulit makapag-anak ang babae o makapangbuntis ang mga lalaki.

Mga Kakabit na Isyu ng Family Planning
Ang gobyerno ay kasalukuyang nagkakaroon ng pagdinig ukol sa pagpapatupad ng batas na naglalayong gawing legal ang paggamit ng mga artipisyal na paraan sa Family Planning. Mamimigay daw ng mga condom ang gobyerno sa mga mahihirap na pamilyang nais na gumamit nito ngunit hindi makabili dahil na rin sa paghihigpit ng sinturon dala ng kahirapan ng buhay.

Gayunpaman, mariing tinututulan ng simbahang Katoliko ang paggamit sa paraan ng Family Planning upang limitahan ng mga mag-asawa ang bilang ng kanilang mga supling. Ani nito, taliwas ang ganitong konsepto sa mga itinuturo sa Bibliya. Nakasaad daw sa Bibliya na obligasyon ng mag-asawa na "magparami". Ito raw ang pangunahing dahilan kaya nag-isang-dibdib ang isang lalaki't babae. Dahil isang Katolikong bansa ang Pilipinas, marami sa mga kababayan natin ang hindi pa rin niyayakap ang ganitong paraan ng Family Planning. Naniniwala silang imoral ang ganitong gawain dahil na rin sa ito ang idinidikta ng simbahan na isang sentral na pigura sa kanilang mga buhay.

Ngunit bukas naman daw ang simbahan sa natural na paraan ng Family Planning. Ayon sa kanila, dahil natural ito, ang sagradong layunin ng pakikipagtalik (pagbubutis), ay hindi nawawala dahil walang pagtatalik na mangyayari

Makabagong Kabataan


Sa paglakas ng teknolohiya ngayon, maraming kabataan ang gumagamit nito sa kanilang adbentahe. Partikular na sa mga teknolohiya ngayon ay ang Internet kung saan umusbong ang napakaraming social networking sites na kilala ngayon.

Maraming kabataan ngayon ang gumagamit ng mga social networking sites na ito upang maka “connect” sa iba. Sa pamamagitan ng mga sites na ito ay nakakabuo tayo ng iba’t ibang klaseng konkesyon sa iba’t ibang klaseng tao sa loob ng maikling panahon.
Sa kabila ng mga positibong aspekto nito, sa kasalukuyan marami rin itong mga negatibong epekto sa paraan ng pakikihalubilo ng mga gumagamit nito lalo na sa mga kabataan.

Sa kabila ng pagkakabuo ng napakaraming koneksyon sa iba’t ibang klase ng tao, mayroon din itong pahamak na dala. Di maitatangging marami ang gumagamit ng social networking sites sa ibang mundo. At kahit na maganda na nakakabuo tayo ng mga konkesyon sa mga taong ito, kailangan parin ng pag-iingat sa pakikipagkilala sa mga taong hindi natin kilala ng personal at nakilala lamang sa tulong ng mga sites na ito. Mayroong mga masasamang loob na maaring samantalahin ang kawalan ng malay ng iba lalao sa mga batang natututo pa lang gumamit ng mga sites na ito. Dahil rito, inaasahang gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa tamang paggamit ng Internet. Habang  bata pa ay dapat tinuturuan na silang maging maingat sa paggamit nito.

Nagiging daan rin ang social media para maging sekritibo ang mga anak sa kanilang mga magulang. Ngunit sa kabila nito mayroon naming mga magulang na nakakabuo ng mas malalim na relasyon sa kanilang mga anak sa tulong ng mga social networking sites na ito. Sa tulong ng mga ito, mas nakikilala nila ang isa’t isa at mas nagiging bukas ang kanilang relasyon.

Makikita natin na malaki ang parte na nagagawa ng social media sa relasyon ng isang anak sa kanyang magulang. Maari itong maging kapakipakinabang o maari naman maging sanhi ng hindi pagkakaintindihan ng mga ito.

Courting or Dating?


Sa tradisyong Pilipino malaki ang pagpapahalaga sa opinyon ng nakakatanda sapagkat sila ang mas nakakaalam. Isang mahalagang aspeto nito ay ang pagpili ng magulang sa magiging nobyo/nobya ng kanilang mga dalaga at binatang anak. Paano na nga ba nagkakaroon ng relasyon ngayon ang mga kabataan kumpara sa kanilang mga magulang at paano ito ipinapakilala sa pamilya lalo na sa mga magulang. Narito ang mga panayam mula sa ilang mga kabataan ukol sa unang bahagi ng pagbubuo ng isang relasyon—ang panliligaw.
Sa panahon ngayon, nagkaroon na ng modernong pagtingin ukol sa usapin ng panliligaw.

Maliban sa tradisyunal at modernong panliligaw, umusbong na rin ang dating kung saan lumalabas ang dalawang tao upang makilala ang isa’t isa. Ano na nga ba ang mas gusto ng mga babae sa panahon ngayon? Karamihan sa mga respondente ay pumapabor sa ideyo ng panliligaw sapagkat mas nakikilala daw nila ang lalaki sa ganitong paraan at nasusubukan at nalilinaw ang intensyon nila. Para naman kay Nian Aldeguer, , hindi siya pumapabor sa dating at hindi naman nakikitang epektibo ang panliligaw. Aniya, “I would prefer a title-less status based on just getting to know each other as friends.”

Sa kabilang banda naman, bibihira na ang mga lalaking nanghaharana sa labas ng bahay ng isang babae na sadyang popular na paraan noon. Overrated na nga ba ang ganitong paraan ng panililigaw? Ayon kay Allan Bacar, “In my point of view me[dy]o ang korni na ng dating niya pero siguro sa girl dapat ginagawa [y]un para makilala din ng family [y]ung guy. Kasi pag seryoso ka sa isang babae dapat [y]ung mismong circle of friends niya and also her family is kilala mo and also approved by the parents of the girl. Worth doing pa din naman [siya].”

Sa tanong na kung mapipilitan siyang manligaw sa tradisyunal na paraan, sagot ni Allan, “Yes, kung seryoso ako sa girl ‘ill do whatever it takes’.”
Bilang mga magulang, sadyang gugustuhin nilang makilala ang mga nililigawan/manliligaw ng kanilang mga anak. Ngunit, gaano kalaki ba ang impluwensiya nila sa makakatuluyan ng kanilang mga anak? Para kay Geela Amoroso, “A little, I guess. They tell me what they think about.” Ayon naman kay Nian, “Initially I would talk to my parents about the guy privately. If eventually things go well between me and the guy, I would make an effort for my parents to meet him and get to know him personally.”

Sa dulo, nasa tao parin talaga kung sino ang kanyang makakatuluyan ngunit hindi maitatanggi na sa kulturang Pilipino, malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa buhay ng kanilang mga anak. At kahit anong sama ng loob mayroon ang anak sa kanyang mga magulang, may mga panahong kakailanganin rin nilang lumapit sa kanilang mga magulang para gabayan sila.

Kalahati


Nag-iwan ng ilang malaking impluwensiya sa ating kultura ang mga dating mananakop ng bansa at naging mahalagang bahagi ang mga ito sa mga tradisyon at paniniwalang isinasabuhay natin ngayon. Kaakibat rin nito ang pagdayo ng maraming banyaga sa ating bansa upang mangalakal at sa kinalauna’y manirahan na rin. Umusbong rito ang mga interracial marriages kung saan nagpapakasal ang mga Pilipino sa mga banyaga. Naging produkto ng mga kasalang ito ang mga half Pinoy na kabataan na sadyang talamak naman hindi lang sa loob ng bansa kung hindi sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Hindi na bago sa paningin ng mga Pilipino ang mga half Pinoys. Sa katotohanan, maluwag ang pagtanggap sa mga ito at malaki ang paghangang ibinibigay sa kanila ng ibang tao dahil sa pagiging half Pinoys nila. Ayon kay Alixel Cheng, isang half Pinoy, half Chinese, isa sa mga kinaganda ng pagiging half Pinoy ay “[is that] I guess being exposed to more cultures is a good thing since you’re able to explore more of both.” Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng baryason sa mga pananaw ng isang half Pinoy dahil sa pagkakaroon ng higit pa sa isang lahi.

Sa kabila nito, hindi rin nakapagtataka na magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan sa pamilya dahil sa pagkakaiba ng kulturang mayroon ang mga magulang. Maaring mayroong mga tradisyong Pilipino na sumasalungat sa tradisyon ng ibang lahi at maari itong magdulot ng ‘di pagkakaintidihan. Katulad na lamang ni Alixel, lumaki siya sa pananampalatayang Katoliko ngunit mayroong mga tradisyong Chinese—tulad ng pag-ilaw ng inseso—na sumusunod sa relihiyong Budismo. Sa kabila nito wala naming nananaig na kultura sa kanilang tahanan sapagkat bukas ang parehong magulang sa kulturang mayroon ang kanilang kabiyak. Aniya, “My mom gives way to Chinese beliefs and traditions and so we do strictly obey the traditions and ways of the Chinese as much as our knowledge covers it but we also respect the traditions [of] Filipinos.”

Ang pagiging kalahating Pinoy at kalahati ng iba pang lahi ay mayroon ding mga kalamangan at kawalan. Para kay Alixel, wala naman daw kawalan ang pagiging half Pinoy ngunit maari itong magdulot ng culture shock lalo na kung hindi napalaki ang bata sa iisang kultura na lamang. Sa kabila rin nito wala rin naming ikahihigit sa iba ang pagiging half Pinoy. Aniya nga “in our society, even Filipinos have the mindset that having a blood from a different race makes you a little more superior or better than just being a plain Filipino. “ Nasa pananaw na lamang ng tao kung sadyang nakahihigit nga ba ang mga half Pinoys. Sa kabila ng mga ito, tunay na mas napapalago ng ganitong penomena ang tingin ng tao sa mundo. Hindi lahat ng Pilipino ay may pagkakataong matutunan ang ibang kultura kung kaya’t ang mga half Pinoys ang nagiging daan upang makamit nila ito.

Nanay Tatay


Sa panahon ngayon, hindi na iba ang mga nanay na nagtratrabaho.  Noon, kinikilalang haligi ng tahanan ang ama o tatay sapagkat sila ang nagtratrabaho at nagpapasok ng pera para sa pamilya. Sila ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Ang mga ina o nanay naman ang siyang nagsisilbing ilaw ng tahanan at siyang nangangalaga rito. Sa paglipas ng taon, malaki ang naging epekto ng takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa ebolusyon ng tinatawag na gender roles sa ating lipunan. Kung dati’y mga tatay lamang ang nagtratrabaho at kumikita para sa pamilya, ngayon pati mga nanay na rin.

Kung noon ay mga tatay lamang ang nagtratrabaho para sa pamilya, ngayo’y dumadami narin ang mga tinatawag na working moms. Karamihan sa kabataan ngayon ay lumalaki sa isang pamilya kung saan parehong nagtratrabaho ang kanilang mga magulang. May mga inang nagtratrabaho para makakuha ng dagdag kita para sa gastusing dapat tugunan sa bahay.

Maliban sa isyu ng pera at pangangailangan, maraming mga ina rin ang kumukuha ng trabaho para sa pagpapabuti ng kanilang sarili katulad na lamang ni Evelyn Salcedo, ina sa tatlong anak at 17 taon ng nagtratrabaho bilang isang medical technologist. Maliban sa isyung pinansyal, patuloy parin siyang nagtratrabaho para sa self-worth niya.

Sa kabila ng tulong na naiiaabot ng isang working mom, nahahati naman ang oras na maari nitong ibigay sa kanyang mga anak. Paano nga ba mapagkakasya ang trabaho at pagpapalaki ng isang anak sa limitadong oras? Ayon kay Luningning Yap, isang dentista at ina sa 2 anak, “It’s a matter of balancing time.” Ganito rin ang pananaw ni Ginang Salcedo. Aniya, “I always make it a point that I always attend to their needs…”  Pagpapatuloy pa niya, “I always see to it that I am the one taking care of their needs because I am a hands-on mom.” Patunay ang mga inang ito na hindi hadlang ang pagtratrabahon upang magpalaki ng anak. Para-paraan lamang ito at kung gugustusin, makakahanap at makakahanap ka ng paraan upang magawa ang trabaho mo bilang isang empleyado at isang ina.

Hindi maitatangging nahahati ang oras na maaring igugol ng isang working mom sa kanyang mga anak. Maaring nakakapanghinayang ito para sa iba ngunit para sa mga inang ito walang dapat kahinayanganan. Ayon kay Ginang Salcedo,“because my family is very proud for having a mom working. I put them first before others and they know that, they are my life.” Sa kabila ng kanyang pagkukulang, ipinagmamalaki pa rin siya ng kanyang pamilya at malaki ang pasasalamat ng mga ito sa mga sakripisyo at pagsusumikap niya para sa kanila.

Nababawasan man ang oras niya para sa kanyang pamilya, hindi ibig-sabihin na hindi na nabibigyan ng oras ang kanyang mga anak. Sa ganitong paraan, nagiging kapaki-pakinabang ang pagtratrabaho ng ina at hindi nakokompromiso ang pagpapalaki ng anak. Epektibo pa rin ang isang working mom at dapat bigyang pansin ang kanilang mga kontribusyon para sa pamilya at sa lipunan.