ni Kevin Alambra
Isa mga nakasanayan ng
pamilyang Pilipino ay ang pagbibigay ng tunay na pagmamahal at “concern” sa
bawat miyembro, tinutulungan ang kapwa sa kahit anong paraan lalo na ang mga
mas nangangailangan sa buhay, at inaalagan ang mga matatanda hanggang sa
kanilang ikatatagal.
Malaking bahagdan ng
populasyon sa bansa ay katoliko at masasabing sumasalamin ito sa ugali at
pamumuhay ng ilan sa pamilyang Pilipino lalo na sa loob ng bansa. Sa relihiyong
katoliko bilang impluwensya sa ugali ng bawat tao, maraming mapagkukunan ng
mapag-uusapan sapagkat hindi lamang ang tradisyon o gawain sa simbahang
katoliko ang sinasakop nito. Una’t una sa lahat at marahil masasabing mahalaga
ay ang aplikasyon ng mga nakapaloob sa bibliya o ihinain ng relihiyong ito.
Ngayon, ang mga kaugalian ng
pmailyang Pilipino ay maaaring ikonekta sa paniniwala nila--halimbawa ang
relihiyong katoliko, na isinasabuhay ng maraming nanay, tatay, at mga anak sa
Timog Silangang Asya. Para sa mga katoliko, ang malaking pamilya ay mas
katanggap-tanggap, at ito ang resulta ng paniniwala ng mga Katoliko na
nagpapahintulot sa paggamit ng “birth control.”
Sa kabuuan, ang tradisyon at
gawain ng pamilyang Pilipino ay nakabase sa kanilang relihiyon at paniniwala. Halimbawa,
maraming pamilya ang “pro-lie”, at maaaring sumalungat sa mga bagay na umaatake
sa relihiyong Katoliko. Ang pagpunta sa simbahan, halimbawa, ay maaring bahagi
ng ritwal ng pamilya, kasama ang mga espesyal na okasyon o salu-salo na
nababase sa mga pangyayari sa kalendaryo ng simbahan. Masasabing nakararami ang
nag-iisip na kapag relihiyon ang pinag-uusapan ay nasa mababaw na pagtanaw
lamang ang pumapasok--halimbawa, ang relihiyon kaabikat ang pagbabasa ng
bibliya, pagpunta sa simabahan kasama ang pamilya, pagdarasal araw-araw, at
kung anu-ano pang “obvious” na larawan ng paniniwala. Sa isyung ito,
kinakailangang lumagpas ang pag-iisp sa normal o “given” nang mga bagay.
Ang mahigpit na pag-uugali
(strict morals) ay maaaring sumalamin sa patakaran sa isang pamilyang
Pilipino-- pagbabawal sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, at ang paggawa ng mga
ito ay may kaukulang parusa sapagkat maaaring nilalabag nito ang tipikal na
moralidad ng relihiyong kinabibilangan nila.
No comments:
Post a Comment