Tunay nga namang napakagandang makita ang pagsasama-sama ng mga
pamilyang Pilipino. Ang kaugaliang ito ang isa sa kilala at hinahangaan sa ating
mga Pinoy. Sa pagkakataong ito, nais kong maghandog ng isang kuwentong
maipagmamalaki ang kaugalian nating mga Pilipino na ito.
Lumaki
ako sa isang pamilyang hangga›t maaari, sama-sama. Tulad na
lamang
sa mga okasyon gaya ng Pasko, Bagong Taon, Mahal na Araw, o kahit kaarawan
lamang ng isa, siguradong naroon ang bawat isa. Mapa sa mga panahong masaya at malungkot,
nariyan ang bawat isa.
Dumating
sa isang punto, sa gitna ng kasiyahan, isang balita ang napagalaman ng lahat.
Isang
malungkot
na balita tungkol sa kadahilanan ng aming pagsasamasama – may sakit si lola.
Tila
isang malaking butas sa aking dibdib ang dagling namuo nang marinig ang bawat
katagang namutawi sa mga labi ng isa sa miyembro ng pamilya. Hindi malaman ang
mukha ng ni isa sa amin - ang aking mga tito, bilang mga anak ni lolo; ang
aming mga ina, bilang biyenan; kami, bilang apo. Kay sakit isipin na ang araw
na ito ang umpisa ng paghahanda para sa
araw
na ayaw namin lahat dumating. Wala na kaming ibang magawa kundi magpanggap na
normal ang lahat kahit sa napakasakit ng mga nangyayari.
Sa
mga sumunod na buwan ilang beses din kami nagpabalik-balik sa ospital. Gabi-gabi
kumpleto kami, sina mama, papa, tito, tita, aking mga pinsan, aking mga kapatid
at sama-sama kaming magdadasal ng rosaryo kasama si lola. Hindi mapagkakailang
isa
iyon sa mga araw na pinakanagkaisa kami lahat.
Lumilipas
ang oras, ibig sabihin din ay hindi na magtatagal. Naroon kami lahat hanggang
sa pinakahirap at masakit na punto. Naaalala ko pa ang lahat. Tinawagan na ako ng
isa sa aking mga pinsan para pumunta sa ospital. Iyon ang araw na alam naming
malapit na malapit na.
Luha
ang dumadaloy kada bagong dating ng isa. Sobrang sakit malaman na wala nang
magagawa kundi hintayin ang ayaw mo pa dumating. Sobrang sakit pero kakayanin.
Alam kong
hindi
ako nag-iisa.
Dumating
na ang araw na pinakahinahangad namin na hindi dumating. Pero
ganyan
talaga. Darating sa puntong iyon. Pero hindi naman natatapos doon ang
naumpisahan ni lola sa aming pamilya – ang pagsamasama
No comments:
Post a Comment